ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 29, 2024
Sasali ang 100 mga bangka sa 2nd West Philippine Sea (WPS) civilian mission, na gaganapin sa ika-15 ng Mayo, ayon sa anunsiyo ng Atin Ito Coalition.
Isasagawa ang misyon sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
“The primary objectives of the mission are to conduct a ‘peace and solidarity regatta’ within our EEZ, during which symbolic markers/buoys emblazoned with the rallying cry ‘WPS, Atin Ito!’ (WPS is ours!) will be placed to reinforce our country's territorial integrity,” pahayag ng Atin Ito co-convenor at Akbayan president na si Rafaela David.
Inaanyayahan ang mga internasyonal na tagapagmasid na sumali sa misyon upang dokumentuhin ang kalagayan sa West Philippine Sea at masaksihan ang mga hamon na hinaharap ng mga Pilipinong mangingisda at frontliners.
Matatandaang idinaos ng Atin Ito ang unang sibilyang misyon sa West Philippine Sea noong Disyembre ng nakaraang taon.