top of page

10 yrs. old pa lang, pantawid-gutom na… AHTISA, NABUHAY SA PAGSALI SA BEAUTY CONTEST

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 days ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | December 2, 2025



LETS SEE - AHTISA, NABUHAY SA PAGSALI SA BEAUTY CONTEST_FB Ma. Ahtisa Manalo

Photo: FB Ma. Ahtisa Manalo



Muli na namang nakapagtala ng record si Star for All Seasons Vilma Santos nang masungkit niya for the 10th time ang Best Actress award ng Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC).


Bukod-tanging si Ate Vi sa hanay ng mga artista sa Pilipinas ang may ganyang record at tila mahihirapan na ang sinumang artista noon man o mga baguhan na mapantayan o mahigitan man lang ‘yan.


Sa sandaling tsikahan namin with Ate Vi after ng awards ceremonies, lubos itong nagpapasalamat sa pagtitiwala at paniniwala pa rin ng mga kasapi ng PMPC sa kanyang craft as an actress.


“For as long as may mga gaya nilang nire-recognize ang mga gawang sining natin, at hangga’t may mga proyekto tayong ipinagkakatiwala sa atin ng mga producers at ina-appreciate ng moviegoers, nandito pa rin tayo hangga’t kaya pa,” sey pa ni Ate Vi.


Aniya pa, “Sobra ang respeto ko sa PMPC at mga bumubuo nito. Simula pa noon hanggang sa mga bagong kasapi nila, I am simply grateful and thankful.”


Bongga ang mabilis na awarding rites ng PMPC na ginanap sa Makabagong San Juan Theater sa San Juan City. Maayos ang naging presentation ng awarding, winner ang stage, ang sound and lights, at perfect lang ang seating capacity nitong nasa 800 pax. 

Congratulations sa PMPC!



BUKOD sa Best Actress award ni Ate Vi for Uninvited, napanalunan din ng movie ang Best Picture, Best Acting Ensemble, Best Director for Dan Villegas, ilang technical awards at Best Actor for Aga Muhlach.


Ka-tie ni Aga si Dennis Trillo ng Green Bones (GB) na pinuri at sinabing idol niya si Aga. 


Wala sa awards night si Aga kaya’t ang Mentorque producer na si Bryan Diamante ang tumanggap ng award nito.


Nagwagi rin si Dennis ng Male Star of the Night, with Ate Vi as Female Star Of The Night naman.


“Baka ‘di na maulit. I am just overwhelmed. Masarap palang manalo ng award lalo’t ramdam mong nagbunga ‘yung pinaghirapan mo,” sey naman sa amin ni Sunshine Cruz na nagwaging Best Supporting Actress para sa pelikulang Lola Magdalena (LM).


“‘Yung makasama mo ang isang Vilma Santos on stage bilang mga acting awardees, grabeng nakaka-proud din. Salamat talaga kay Direk Joel Lamangan, ginawa n’ya akong aktres,” sambit pa ni Shine.


Congrats din sa guwapong anak nina Mareng Tates Gana at Herbert Bautista dahil nanalong Best Supporting Actor si Harvey Bautista para sa Pushcart Tales (PT).

Katabi namin sina Francine Diaz at Seth Fedelin na saglit naming nakahuntahan. Nanalo sila bilang ‘Love team of the Year’.


Katabi rin namin si Direk Louie Ignacio na third time na rin palang nananalong Best Indie Director sa PMPC.


Sa lahat ng winners, congratulations po!



Inaasahan naman ng mga beauconera o mahihilig sa beauty pageants na very soon ay maririnig din nilang magpahayag ng kanyang saloobin si Ahtisa Manalo.

Pinag-usapan kasi ang matapang na opinyon ni Catriona Gray nu’ng rally last November 30.


Sey ng mga supporters ng Miss Universe 3rd runner-up, “Mas masarap at bongga rin kung si Ahtisa ang magpapahayag dahil dito talaga s’ya lumaki, lalo’t sa probinsiya. Totoong naranasan n’ya ang buhay-mahirap at ‘di nga ba’t ten years old pa lang s’ya ay ginawa na n’yang pantawid-gutom ang pagsali sa mga beauty contests?”


“Mas convincing kung sa kanya namin maririnig ang mga bagay na tunay na galing sa hirap ang karanasan. We appreciate those that talked about matters on corruption, etc. pero mas believable kasi kung galing ‘yun mismo sa taong alam talaga ang meaning ng kahirapan,” bahagi pa ng reaksiyon ng mga byukonera na waiting sa gagawing grand welcome kay Ahtisa.


Hmmm… sana nga ay marinig natin ang boses ni Ahtisa Manalo na noon ay nabalitaan din nating kumontra sa political dynasty ng mga taga-Quezon province gaya ng sa Lucena City?


Well, wait na lang natin…


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page