top of page

10 taon nang kasal kay Yael… KARYLLE, KALAT NA BUNTIS, BABU SA IT’S SHOWTIME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 27, 2024
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 27, 2024



Showbiz News
Photo: Karylle / IG

Wala pang direktang kumpirmasyon mula kay Karylle, pero balitang-balita na buntis na siya ngayon, kaya pansamantala siyang magli-leave sa pagho-host ng It’s Showtime


Well, medyo nag-gain siya ng weight kaya iniisip ng mga netizens na preggy na siya ngayon. Blooming din ang aura niya na napansin ng mga viewers. 


Marami namang fans nina Karylle at Yael Yuzon ang natutuwa sa balitang malapit na silang magkaroon ng baby. Sampung taon na silang mag-asawa at gusto nang makita ng lahat ang bunga ng kanilang pagmamahalan. 


Marami ang makaka-miss kay Karylle kapag nagbakasyon na siya sa It’s Showtime. Nakakasabay na kasi siya sa energy nina Kim Chiu, Anne Curtis at Vhong Navarro, hindi na siya tahimik at mahiyain.  


Tiyak namang maiiyak sa tuwa ang kanyang mom na si Zsa Zsa Padilla. Sabik na rin kasi ang Divine Diva na magka-apo tulad ni Pops Fernandez.


Namigay ng ayuda… DINGDONG, PINAGKAGULUHAN NG MGA BIKTIMA NG BAHA PARA SA SELFIE



Showbiz News
Photo: Dingdong Dantes / FB

Minsan pang pinatunayan ni Dingdong Dantes ang kanyang pagiging ‘Good Samaritan’ nang tumulong sa mga nasalanta ng baha dulot ng bagyong Carina. 


Dito niya nagamit ang kanyang pagiging army reservist, dahil napasabak agad siya sa pamamahagi ng relief goods o food packs sa mga evacuees sa Marikina City. 


Kasama rin ni Dingdong sina Ruru Madrid, Rocco Nacino, John Lucas atbp. Sparkle artists. Pinagkaguluhan sila habang namimigay ng ayuda. Tuwang-tuwa naman ang mga evacuees na nagpa-picture sa mga GMA stars. 


Sa panahon ng mga disasters tulad ng baha, bagyo at lindol, lumilitaw ang mga real-life heroes tulad ni Dingdong, Ruru atbp..


Sana, tularan sila ng iba pang aktor na may kakayahan namang tumulong. Ito na ang panahon upang mag-share sila ng kanilang blessings sa mga nangangailangan.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page