Search
  • BULGAR

10 kalahok ang tatakbo sa SLLP

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 15, 2020



Sampung kalahok ang maglalaban-laban sa 2020 Philracom Ambassador Cojuangco Memorial Cup na gaganapin sa San Lazaro Leisure Park (SLLP)sa Carmona,Cavite.


Ang mga kalahok ay pangungunahan ng Chance The Racer, Full Steam,Gomper Girl, National Pride, Pangalusian Island, Righteous Ruby, Sooner Time, Stella Malone,Viva Morena at Wonderland.


Nakataya ang P1.8-M na premyo sa tatanghaling kampeon, habang makatatanggap ng P675,000 ang 2nd place, may nakalang P375,000 ang 3rd place at P150,000 sa 4th place.


Pinapaboran ang mga kalahok na Chance the Racer, Full Steam, Pangalusian Island, Viva Morena at Wonderland. Ito ang kauna-unahan na magaganap ang karera na hindi matutunghayan ang dating Philracom Chairman na sumakabilang buhay noong Hunyo 17,2020.


Tatanggap din ng P100,000 ang horse breeder sa mananalong kabayo. Sa nakaraang Amb.Eduardo Cojuangco Jr. Cup noong 2019 pinagwagian ng Bugle Note na isinagawa noong Nob. 17 sa Santa Ana Race Leisure Park.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.