Search
  • BULGAR

10-buwang baby na hinalang may COVID-19, pumanaw na

ni Lolet Abania | September 21, 2020




Isang 10-buwang sanggol na hinihinalang may Coronavirus ang namatay sa Isabela, Basilan, ngayong Lunes.


Ipinasok sa ospital ng lalawigan ang baby noong Biyernes, September 18, dahil sa nakakaranas ito ng dehydration, ayon sa report ng local disaster risk reduction and management office.


Gayunman, nagsagawa ng mga test sa sanggol at lumalabas na COVID-19 suspect ito.


Bukod dito, tingin ng mga doktor, mayroon din siyang congenital heart disease na lalo pang nagpahirap sa kanya.


Samantala, noong September 17 nagkaroon ng swab testing ang Isabela City Health Office sa 1,077 indibidwal. Umabot sa 109 ang nagpositibo sa test sa COVID-19.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.