10 boxers pa kasama ni Marcial sa Paris Olympics
- BULGAR
- Jan 29, 2024
- 2 min read
ni VA @Sports | January 29, 2023

Mula sa 12 nagsanay sa Australia, 10 mga Filipinong boksingero na lamang ang magtatangkang makasama ni Eumir Marcial sa pagkatawan sa bansa sa darating na 2024 Paris Olympics.
Ang nasabing 10 mga boksingero na kinabibilangan ng 5 lalaki at 5 babae ay nakatakdang sumabak sa matitinding qualifiers na gaganapin sa Busto Arsizio, Italy sa Pebrero 29-Marso 12 at sa Bangkok, Thailand sa Mayo 23-Hunyo 3.
Ayon kay ABAP secretary-general Marcus Manalo, inaasahan na nilang magiging mahirap para sa mga nasabing boksingero ang mag-qualify.
Sa ngayon ay may 109 ng mga boksingero mula sa 49 na bansa ang nakakuha na ng kanilang ticket para sa Paris Games sa pamamagitan ng naging tagumpay nila sa mga continental tournaments na kinabibilangan ng European Games, Asian Games, Pan American Games, Pacific Games at Africa Games.
Sa nasabing bilang, ang Australia ang may pinakamaraming nakuhang slots matapos magkamit ng 12 sa 13 divisions, kasunod ang Brazil na may 9.
Sa Asian region, nangunguna ang China na may 7 qualifiers kasunod ang Thailand, Uzbekistan at Chinese-Taipei na may tig-4 habang may tig-2 naman ang Kazakhstan, Tajikistan, North Korea at Japan.May 50 slots ang nakataya para sa idaraos na Italy qualifier na kinabibilangan ng 28 sa men’s division at 22 sa women’s. Limampu't-isa namang boxers ang makakakuha ng slots sa Bangkok qualifier.
May inilaan naman ang International Olympic Committee (IOC) na apat na universality slots sa men's division para sa 57kg, 63.5kg, 71kg at 80kg divisions at lima sa women's para sa 50kg, 54kg, 57kg, 60kg at 66kg divisions.Ang mga makikipagsapalarang Filipino boxers ay sina Rogen Ladon, 30-anyos (51kg), Carlo Paalam, 25-anyos (57kg), Mark Ashley Fajardo, 19-anyos (63.5kg), Ronald Chavez Jr., 24-anyos (71kg) at John Marvin, 31-anyos (92kg) sa kalalakihan at sina Aira Villegas, 28-anyos (50kg), Claudine Veloso, 24-anyos (54kg), Nesthy Petecio, 31-anyos (57kg), Riza Pasuit, 31-anyos (60kg) at Hergie Bacyadan, 29-anyos (75kg).Ayon kay Manalo, mula sa kanilang training camp sa Australia noong Enero 14-27 ang sampung Pinoy boxers ay lalahok sa Boxam Tournament sa Alicante, Spain sa Enero 29-Pebrero 4.








Comments