top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

1 yr. pa lang magdyowa, feeling 5 yrs. na raw… ASHLEY, GUSTONG PAKASALAN SIYA NI MAVY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 28
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 27, 2026



Ashley at Mavy - Instagram

Photo:Ashley at Mavy - Instagram



Diretsahang sinabi ni Ashley Ortega na papayag siyang pakasal sa boyfriend na si Mavy Legaspi sakaling yayain na siya nito.


Sa guesting ng Sparkle artist sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nitong Martes kasama ang co-star sa Apoy sa Dugo (ASD) ay natanong siya ni King of Talk kung ano ang magiging reaksiyon niya sakaling isang araw ay yayain na siya ni Mavy na magpakasal.


Mabilis na sagot ni Ashley, “Not now, in the future. In the future ba?”

Sey naman ni Kuya Boy, “In the future.”

Sagot ulit ni Ashley, “Oo naman, yes.”


Dagdag pa niya, “Actually, Tito Boy, of course, I would want him to be my last. ‘Yun na rin naman, like before ko s’ya sinagot and before we even started, I told him the guy I’m gonna start dating again would be the last guy na.”


Pero siyempre, hindi pa rin naman daw niya hawak ang kanyang future.

Ipinagdarasal daw niya na si Mavy na talaga ang lalaking mapangasawa.

“Again, anything can happen. Ayoko rin namang magsalita nang tapos, so let’s just see. I hope it’s him. I hope and pray it’s him,” sey niya.


“Because ang hirap din naman na ma-heartbroken ka ulit, back to zero ka ulit. Of course, I hope it’s him,” patuloy pa ni Ashley.


Naikuwento rin ng dalaga na mas lumalim na raw ang kanilang relasyon after dating for more than a year. Feeling daw niya ay parang five years na sila.


“Alam mo ‘yung parang sobrang familiar na namin sa isa’t isa at parang tapos na rin ‘yung honeymoon stage na from time to time, mag-a-update kayo sa isa’t isa? Kami, I just let him. 

“Like kanina, nag-golf s’ya, tapos nag-text na lang ulit s’ya sa ‘kin after n’yang mag-golf, after like four hours. ‘Di ko na s’ya pinakialaman na ‘O, what’s happening there?’ I just let him enjoy,” sabi ni Ashley Ortega.





MAKIKI-RIOT sa The Boobay and Tekla Show on the Go (TBATSOTG) sina Kelvin Miranda at Robb Guinto this Sunday, March 29. 


Kasama ang mga hosts at well-loved comedy duo na sina Boobay at Tekla, muli silang mag-iikot sa mga kalye para sa nakakatawang kuwentuhan kasama ang masang Pinoy.


Asahan ang mga kuwela at out-of-this-world na sagot ng mga ate at kuya sa segment na Trivia on the Go. Magpapaunahan naman ang pitong contestants na hulaan ang nawawalang salita sa mga kasabihan at iba pang famous quotes sa Sabeh?!


Susubukan naman ng dalawang talented stars na pahalakhakin ang sexy actress na si Robb sa Battle of Bida-Bidas.


Samantala, mate-test ang charm ni Kelvin sa challenge na magbenta ng sampung mangga sa loob lang ng tatlong minuto.


Puno na naman ng tawanan na may halong kaseksihan ang Sunday night ng mga Kapuso. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page