top of page

1 week na raw walang Wifi… CARLA, KINALAMPAG NAMAN ANG INTERNET PROVIDER SA SOCMED

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 3, 2025
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 3, 2025



Photo: Circulated - Carla Abellana IG


May kinol-out na naman si Carla Abellana and same reaction from the netizens, but this time, ang daming kumampi sa Kapuso actress, ang daming naka-relate na naka-experience ng same problem sa kanilang internet provider.


Post ni Carla sa @ (threads), “Dear @convergefiberxers @convergeict, please reach out to me directly. It has been a week since my entire street’s wifi has been down due to the wires that collapsed a week ago. I’ve lost count of how many ticket numbers I have from all the reporting to your bots. We need to speak to an actual human being and we need this issue resolved immediately, please.”


Marami ang sumang-ayon kay Carla in as far as customer service ng Converge is concerned.


Nagpasalamat ang mga kapitbahay ni Carla dahil kapag naayos ang internet connection niya, damay sila. Hindi na raw nila kailangang mag-report dahil ginawa na nito.


Sa nag-comment na hindi nauubusan ng ire-report si Carla, baka ang susunod ay Meralco na ang i-call out nito, siya ang awayin ng mga netizens. Tama lang daw ang reklamo ng aktres at tama lang na siya ang nagrereklamo dahil celebrity siya, pinakikinggan ang reklamo at inaaksiyunan agad.



Nagkaroon ng ballroom dancing sa last night ng wake ni Mommy Caring bilang tribute sa mom ni Ice Seguerra. Mga kasama sa ballroom dancing ang nagsayaw kasama sina Ice at Liza Diño-Seguerra. 


Kuwento ni Liza, may pa-ballroom si Mommy Caring noong araw na pumanaw siya, kaya maaga pa lang, naghahanda na.


Nadala sa ospital si Mommy Caring na naka-rollers ang buhok. Ang suot naman niya sa kanyang pagpanaw ay ang dapat isusuot niya sa ballroom dancing na ang tawag niya ay “Big Night”. Hindi sukat-akalain nina Ice at Liza na papanaw siya noong June 27.


Sabi ni Ice sa kanyang eulogy, hindi siya kakanta, pero kinanta pa rin nito ang Everything I Own (EIO) ng Bread na favorite song ni Mommy Caring. 


Sabi ni Ice, “Singing for my mama one last time. This was your favorite song. Now, it has a whole different meaning for me. Every line captures how I see you and what I’m feeling. I would give everything I own... just to have you back again. I love you so much. For Always. I will miss you forever.”


Nang dumalaw kami sa burol ni Mommy Caring kasama ang ibang press, natanong si Liza kung magpapahinga ba sila ni Ice after ng cremation ni Mommy Caring.


Sagot ni Liza, gustuhin man nila, walang time. Ang daming ganap ni Ice na nagsimula sa release ng new single niyang Shelter of the Broken (SOTB) noong June 28. Sa August 8 naman ang album drop ng Being Ice (BI), ang all-original album niya na collab ng Fire & Ice at Star Music.


May two-night concert pa sa September si Ice at kasama ito at ang album sa 37th anniversary niya sa industry. Baka pagkatapos na ng two-night concert ni Ice sila makapagbakasyon ni Liza.



NAAALIW kami kay Debbie Lopez dahil kinakabahan tuwing may presscon at sinasabi niya ang nararamdaman. Hindi lang namin natanong kung bakit siya kinakabahan, eh, mahal naman siya ng press.


Saka, kapag kumanta at sumayaw na si Debbie, nawawala ang kanyang kaba at ibinibigay ang best niya. Gaya na lang sa 4th presscon niya na post-birthday celebration din niya. Para namang hindi siya kinabahan nang kantahin ang Torn at ang Visayan single niyang Ang Higugmaon Ka (AHK). Lalo na nang sumayaw siya na naka-cosplay ng Sailor Moon.


Sa presscon/launching/post-birthday bash, nabanggit ni Debbie ang kagustuhang pasukin ang acting. Ang feeling niya ay kaya niyang maging sexy comedienne at wish nitong may magbigay sa kanya ng chance sa acting.


Special guest ni Debbie sa kanyang triple celebration ang composer na si Mon del Rosario at ang misis nito. Sabi nito, abangan ang collab nila ni Debbie, “May mga pinaplano kaming project para makabawi naman s’ya. Bagay sa kanya ang romantic ballad.”


Ang tinukoy ni Mon na ‘para makabawi’ si Debbie ay ang malaking halaga na nawala sa kanya dala ng panloloko ng mga taong inakalang kaibigan. Hindi na nito sinagot kung magkano ang nawala sa kanya.


Anyway, may new single na ire-release si Debbie, Undecided Love (UL) raw ang title at galing sa personal niyang experience. Sana sa launching ng single, hindi na kabahan si Debbie kapag muling nakaharap ang press.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page