Search
  • BULGAR

1 taong 'di nagkita… KC, UMUWI NA SA BAHAY NI SHARON, JOIN SA NOCHE BUENA

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | December 26, 2020




Ang saya-saya ni Sharon Cuneta-Pangilinan dahil pagkalipas ng isang taon ay nagkita na sila ng panganay niyang anak na si KC Concepcion. Kapiling niya ito nu'ng Noche Buena kasama ang mga anak nila ni Senator Kiko Pangilinan na sina Frankie, Miel at Miguel sa kanilang bahay sa Makati City.


“Christmas Eve 2020. And a nice surprise,” ang caption ni Sharon habang kinukunan ang handa nila at nagulat siya nang makita ang panganay, “Oh! Hi!” sabay pasok ni KC at bumati ng, “Hi, Mom!”


At pati mga fur babies nina Sharon ay sumalubong kay KC na tuwang-tuwa.

“Fur babies with Big Ate (KC),” sabi ni Shawie.


Kitang-kita sa mga mata ni KC na ang saya-saya niya habang nilalagyan ng pagkain sa plato ng daddy niyang si Senator Kiko.


Pagkatapos ng kainan ay kani-kanyang bukasan na ng regalo at panay ang video naman ni Sharon sa lahat at kinunan din niyang magkasama sila ni KC. Isa-isa ring kinunan nito ang mga anak na sina Miel, Frankie at Miguel na ginawa na raw lego room ang kanilang sala sa dami ng regalong natanggap. Ipinakita rin niya ang kabuuan ng laman ng Christmas tree.


“Wala na po kaming sala, na-take-over na ng bunso,” sambit ni Sharon.


At pinansin ni KC na payat na ang mama niya.


“Yes, got to work before I retire,” sagot naman ng Megastar.


Dagdag pa niya, “Merry Christmas everybody, so pumayat ako kasi I get back to work before I retire.”


Nabanggit din ng aktres na may inorder siyang bagong fur baby bago sila lumipat sa bago nilang bahay at ang dami niyang kuwento tungkol sa iba pa niyang aso.


Masaya ang pakiramdam ni Sharon dahil nakita niya ang panganay niya.


“It’s a nice Christmas, God has been so good. The last time I saw KC before tonight was exactly 1 year ago, Christmas eve last year and so she came and surprised us (sabay lingon kay KC), she’s there taking videos. It’s a happy Christmas.”


Ilang oras pa lang mula nang i-post ni Sharon ang video sa IG account niya ay almost 200K na ang views at magaganda ang komento na nagsabing masaya sila na kumpleto ang pamilya ng aktres ngayong Pasko.


Samantala, nag-post naman si KC ng larawan nilang mag-ina (pati nu'ng bata siya) kasama ang fur babies nila sa kanyang IG account.


“A quiet, peaceful and heartfelt Christmas with my Queen. Merry Christmas, loves!” caption niya sa picture.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.