1 patay, 95 pa sugatan... 2 Victory Liner, nagsalpukan
- BULGAR

- 8 hours ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | June 1, 2026

Photo: Circulated
Isang pasahero ang nasawi habang hindi bababa sa 95 ang sugatan sa salpukan ng dalawang pampasaherong bus sa kurbadang bahagi ng Marcos Highway, Taloy Sur, Tuba, Benguet nitong Sabado ng gabi.
Sa imbestigasyon ng Tuba Municipal Police Station, ayaw umanong gumana ang brake ng isang Victory Liner bus patungong Dagupan, Pangasinan at nahagip nito ang isa ring Victory Liner na patungong Baguio City.
Nakatakbo pa umano ng 40 metro ang bus na nawalan ng preno bago mabangga rin ang kaliwang bahagi ng isang SUV at tuluyang bumangga sa konkretong railing ng kalsada.
Mabilis na dumating ang mga rescue team at dinala ang mga sugatang pasahero, kabilang na ang mga driver ng dalawang bus, sa Baguio General Hospital.
Himala namang walang nasaktan o nasugatan sa mga pasahero at driver ng SUV.
Ayon sa Tuba Police, lahat ng tatlong sasakyan na sangkot ay nagtamo ng matinding pinsala dahil sa aksidente.





Comments