top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

1 lang ang show sa GMA-7... JILLIAN, NAKABILI NG BAHAY AT BMW LAST YEAR, PORSCHE NAMAN NGAYON

BULGAR
Mar 13, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 13, 2022



Labis na ipinagtataka ng ilang netizens kung bakit sa edad na 17 pa lang ay nakabili na ng mga properties at sasakyan ang young Kapuso actress na si Jillian Ward.


Gaano raw ba kalaki ang TF at kinikita ni Jillian sa GMA Network, eh, ang Prima Donnas lang ang kanyang show ngayon sa Siyete?


Wala naman siyang mga product endorsements. At wala rin siyang pelikulang nagawa.


Nakapagpatayo na ng bahay si Jillian Ward para sa kanyang pamilya. Nakabili na rin siya ng sariling sasakyan na BMW at recently, nag-post siya na nabili na niya ang kanyang first sports car na isang Porche na matagal na niyang pangarap.


Milyones ang halaga ng bahay at dalawa niyang luxury cars. Kaya may ilang nagdududa kung saan niya nakuha ang ganu'n kalaking halaga.


Depensa naman ng mga solid fans and supporters ni Jillian Ward, four years old pa lamang siya ay nag-aartista na. Siya ang gumanap sa TV version ng Trudis Liit, ang pelikula noon ng Star for All Seasons na si Congw. Vilma Santos.


At pagkatapos ng Trudis Liit ay nagtuluy-tuloy na ang kanyang mga projects. Wala naman siyang naging isyu at kontrobersiyang kinasangkutan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page