top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

1.6 milyong COVID-19 vaccines, tiyaking mapakikinabangan

BULGAR
Jul 21, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | July 21, 2022


Daan-milyong piso ang masasayang kung hindi magagamit ang nasa 1.6 milyong COVID-19 vaccines na nakatakdang masira sa Agosto.


Ang mga naturang bakuna ay mula sa pribadong sektor na nagkakahalaga ng US$10 kada dose. Kabilang umano sa mga bakuna ang AstraZeneca at Moderna.


Gayunman, para maiwasan ang pag-aaksaya, muling nanawagan ang mga negosyante sa Health Technical Advisory Council na payagang makatanggap ng kanilang ikalawang booster dose ang general public.


Matatandaang sa kasalukuyan ay ibinibigay lamang ang second booster kontra COVID-19 sa mga senior citizen at immunocompromised na indibidwal.


Binigyang-diin din na ang Estados Unidos na siyang pinagbilhan ng bakuna ay nagbigay na ng ikalawang booster sa kanilang mamamayan.


Samantala, base sa datos ng Department of Health (DOH), nasa mahigit 70 milyon katao na sa bansa ang fully vaccinated kontra COVID-19, ngunit nasa 15 milyon pa lang ang nakatanggap na ng booster dose.


Sa totoo lang, hindi biro ang halagang masasayang sa oras na mapanis ang milyong doses ng bakuna. Bukod sa naglabas ng pera ang mga negosyante, hindi na mapakikinabangan ang mga bakuna.


Kaya naman bago pa ang lahat, pakiusap natin na diskartehan kung paano maisasalba ang mga ito. Kung kaya namang i-donate sa mga lugar na kapos sa bakuna, gawin na para mapakinabangan pa ang mga ito.


Nauunawaan nating nagsisikap ang gobyerno upang mapataas pa ang bilang ng mga nagpapabakuna, partikular ang booster shot, pero sana ay kaunting sipag pa.


Ito ay sa kabila ng paggiit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na hindi kailangang gawing mandatory ang booster shot, ngunit binigyang-diin na inirerekomenda ito.


Sa pagkakataong ito, kailangang magtulungan ng gobyerno at pribadong sektor upang matiyak na walang bakuna na masasayang.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.co

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page