1,500 dumagsa sa pagtatapos ng Ramadan

ni Mylene Alfonso | April 23, 2023

Nasa 1,500 Muslim ang dumagsa sa Quirino Grandstand sa Rizal Park para sa pagdiriwang ng Eid'l Ftr o pagtatapos ng Ramadan.
Alas-4 ng madaling-araw nang magsimulang dumagsa ang mga Muslim sa Rizal Park para magdasal at magdaos ng programa.
Alas-7:40 ng umaga nang matapos ang programa kung saan mapayapang nilisan ng mga Muslim ang lugar.
Sinabi ni MPD Director PBGen. Andre Dizon, naging mapayapa sa pangkahalatan ang Eid'l Ftr sa Maynila.





Comments