1,400 kalansay ng tao, naiahon sa Taal Lake
- BULGAR

- 3 days ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | June 2, 2026

Photo: File
Nasa 1,400 mula sa mahigit 2,000 buto at kalansay na narekober mula sa Taal Lake ay natukoy na mga labi ng tao.
Ito ang kinumpirma ng Philippine National Police-Forensic Group habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagkawala ng mga sabungero.
Sa pulong-balitaan sa Camp Crame nitong Lunes, sinabi ni FG Director Police Col. Pierre Carpio na sumailalim sa iba’t ibang pagsusuri ang mga nakuhang buto, kabilang ang medico-legal, anthropological, radiographic imaging, dental, at DNA examinations.
Gayunman, nilinaw niya na hindi pa tapos ang proseso at patuloy pa ring sinusuri ng mga eksperto ang mga labi upang matukoy kung may tugma ang mga DNA profile sa mga biktima ng kaso ng mga nawawalang sabungero.





Comments