1.3 M dayuhang turista, bumisita sa ‘Pinas – DOT
ni Lolet Abania | August 31, 2022

Nasa 1.3 milyong dayuhang turista na ang nai-record na bumisita sa Pilipinas ngayong taon sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Tourism (DOT).
Ginawa ni DOT Secretary Christina Frasco ang anunsiyo kasabay ng kahilingan ng ahensiya para sa approval ng proposed P3.2-billion budget sa 2023 ng DOT sa harap ng House appropriations panel ngayong Miyerkules.
Ayon kay Frasco, umabot sa 1,352,904 foreign tourists ang bumisita sa bansa hanggang nitong Agosto 28, 2022, malaking pagtaas ito kumpara sa 163,879 noong nakaraang taon.
Aniya, “the 1.3 million foreign visitor arrival this year is on track to at least match the pre-pandemic figure of 1.48 million.”
Nangunguna ang mga Amerikano sa listahan ng mga dayuhang turista na bumisita sa Pilipinas na nasa 257,508, kasunod ang mga South Koreans na 165,167, Australians na nasa 59,202, Canadians na 54,912, at British na nasa 52,782.





Comments