top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

1,200 trabaho, naghihintay sa mga Pinoy sa Israel — DMW

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 18, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | November 18, 2022



Mahigit sa 1,200 trabaho ang naghihintay para sa mga Pilipino sa Israel, ayon Department of Migrant Workers (DMW).


Batay sa report, bukas ang aplikasyon para sa mga hotel workers at housekeepers.


Habang ang kanilang starting salary ay nasa tinatayang P80,000 kada buwan bukod pa ang mga matatanggap na benefits.


Payo naman ng DMW sa publiko, para maiwasan na mai-scam ng mga illegal recruitments, ay mag-apply lamang sa mga official channels. Libre at walang bayad ang application para rito.



Sa mga interesadong aplikante, dapat na mayroong TESDA National Certificate (NC 2) at nakapagproseso na sa online registration bago magtungo sa mga DMW offices.


“Ang atin pong initiation ng ating application of course online. Kinakailangan lang po sundin natin ‘yung mga requirements,” saad ni DMW Undersecretary for Licensing and Adjudication Services Bernard Olalia.


Samantala, ayon sa ministry of health ng Saudi Arabia, nangangailangan sila ng 600 Pilipina nurse, sa pamamagitan ng government-to-government track. Nakaiskedyul ang interview mula Disyembre 5 hanggang 9, 2022.


Ang mga aplikante ay dapat na graduate ng Bachelor of Science In Nursing, mayroong license at nagtataglay ng minimum one year post-board-related experience.


Batay sa report, hindi bababa sa P62,000 ang kanilang basic salary, na maaari pang mag-increase depende sa years of experience ng isang aplikante.


Maliban sa Israel, may mga pag-uusap na ring isinasagawa upang makabuo ng isang agreement sa mga bansang Germany at Portugal na mga trabaho para sa mga Pilipino na maaari nilang aplayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page