top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

1,200 bagong kaso ng BA.5 Omicron subvariant – DOH

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 27, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | September 27, 2022



Nakapagtala ng kabuuang 1,200 bagong kaso ng BA.5 Omicron subvariant na na-detect sa bansa, base sa latest sequencing results mula Setyembre 24 hanggang 26, ayon sa Department of Health (DOH).


Sa isang media forum report, sinabi ng DOH na ang 1,199 cases ay local habang ang isa ay Pilipino na bumalik sa bansa galing abroad.


“Ang BA.5 dito po sa ating bansa is already at around 41% among Omicron subvariants that we have detected,” pahayag ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa isang media briefing ngayong Martes.


Nasa 33 BA.4 Omicron subvariant cases din ang na-detect, kung saan 31 ay mula sa Soccsksargen at dalawa sa Northern Mindanao.


Ayon sa DOH, naka-detect naman ng tinatayang 9 na local cases ng Delta variant, na ang 5 kaso ay mula sa Soccsksargen, 3 sa Caraga, at isa sa Cordillera Administrative Region (CAR).


Nakapag-record din ang DOH ng 3 bagong kaso ng BA.2.75 Omicron subvariant at 2 cases ng BA.2.12.1.


Gayundin, nakapagtala ng 186 cases ng “no assigned lineage,” 162 kaso ng “other sublineages,” at isang kaso ng “other lineage assigned.”


Ayon kay Vergeire, bahagi ng lifecycle ng virus ay “mag-mutate.”


“Gusto lang namin ipaalala sa ating mga kababayan that this virus kasama sa kanyang lifecycle ang pagmu-mutate,” giit ni Vergeire.


“Nagmu-mutate ang virus kapag favorable ang kondisyon niya ibig sabihin may mga immunocompromised tayo na walang bakuna. Ibig sabihin maaring na may fully vaccinated status tayo pero marami namang walang booster na maaaring mag-trigger na pagmu-mutate ng virus,” dagdag pa ng kalihim.


Hinimok naman ni Vergeire ang publiko na tanggapin na ang kanilang COVID-19 booster shots upang mapigilan ang anumang mutation ng virus at pagtaas ng severe at critical cases ng naturang sakit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page