top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

1,100 ex-rebels, nakatanggap na ng assistance sa administrasyong Marcos

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 8, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | December 8, 2022



Nasa tinatayang 1,100 dating mga rebelde ang nakatanggap na ng assistance mula sa gobyerno sa simula pa lamang ng administrasyong Marcos noong Hulyo, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong Huwebes.


Sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na ang gobyerno ay nangakong tututukan ang tinatawag na insurgency at tutulungan ang mga dating rebelde na mapabuti ang kanilang mga buhay.


“Through the Enhanced Comprehensive Local Integration or E-CLIP, we have helped more than 1,100 FRs get back into the folds of society since July 1,” ani Abalos sa isang statement na binasa ni DILG Public Affairs and Communication Service director Marlo Guanzon sa ginanap na press conference.


Ang E-CLIP ay layong makatulong sa mga rebelde na muling mapasama sa komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng financial at livelihood assistance, at iba pa.


Nitong Nobyembre, ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Lieutenant General Bartolome Bacarro ang communist group na New People’s Army (NPA) ay may naiwan na lamang umano na 2,112 miyembro.


Habang ang mga firearms o armas ng mga rebelde ay nabawasan sa tinatayang 1,800.


Ayon kay Bacarro, ang militar ay kasalukuyang nakapokus sa active guerrilla fronts sa humigit-kumulang 154 barangay sa bansa.


Mula sa kabuuang 89 guerilla fronts noong 2018, sinabi ni Bacarro na pinaghahanap na lamang ng AFP sa ngayon ang 24 natitirang grupo. Sa natitirang grupso nasa 19 na ang nanghihina na habang nalalapit na rin ang mga itong mabuwag.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page