top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

1,011 bagong kaso ng BA.5 Omicron subvariant — DOH

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 16, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | August 16, 2022



Nakapagtala ng mahigit sa 1,000 bagong kaso ng Omicron subvariant BA.5 ng coronavirus na na-detect sa halos lahat ng rehiyon sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Martes.


Sa 1,011 bagong BA.5 cases, ang 336 ay mula sa Western Visayas, 82 mula sa National Capital Region (NCR), 79 sa Central Luzon, 75 sa Calabarzon, 72 sa Ilocos Region, 70 sa Bicol Region, 67 sa Cordillera Administrative Region (CAR), 48 sa Soccsksargen, 44 sa Mimaropa, 34 sa Northern Mindanao, 27 sa Caraga, 26 sa Central Visayas, 25 sa Cagayan Valley, 17 sa Davao Region, lima mula sa Zamboanga Peninsula, at isa mula sa Eastern Visayas.


Tatlong returning overseas Filipinos (ROFs) ang nagpositibo rin sa test para sa BA.5 subvariant, base sa latest genome sequencing run na isinagawa mula Agosto 12 hanggang 15, 2022.


Sa ngayon, ayon sa DOH may kabuuang 5,214 BA.5 cases na sa bansa.


Sa nasabing mga kaso, 907 ay itinuturing nang nakarekober, 53 ang nananatili sa isolation, habang ang estado ng iba pa ay bineberipika. Dalawa naman ang nasawi dahil sa BA.5.


690 sa kanila ay fully vaccinated, 12 ang partially vaccinated, tatlo ang unvaccinated, habang ang vaccination status ng iba pa ay dinedetermina.


Ang kanilang exposure sa virus, travel histories, at health status ay inaalam pa.


Una nang sinabi ni Philippine Genome Center (PGC) executive director Dr. Cynthia Saloma na ang pagtaas ng COVID-19 cases sa nakalipas na mga linggo ay maaaring aniya, “attributed to the Omicron BA.5 subvariant which now comprises about 85% of their sequenced samples.”


Dagdag pa ni Saloma, na sa 1,100 hanggang 1,200 samples na na-sequence sa bansa kada linggo, ang BA.5 ang tinatawag na “most predominant variant” na na-detect kung ikukumpara sa ibang Omicron sub-variants gaya ng BA.4, BA.2.12.1, at BA.2.3.


Ang BA. 5 ay nakapagdudulot ng pagtaas ng bagong COVID-19 infections globally habang nagpapakita partikular ng kahusayan sa pag-evade sa immune protection na nakuha mula sa vaccination o bago ang infection.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page