Buong-tapang na ibinuking ni Tulfo ang baho ng mga mambabatas
- BULGAR
- Nov 21, 2022
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 21, 2022
MABUTI PA SI SEN. TULFO, MAY 'BALLS'—Hindi lang high ranking appointed officials, kundi pati elected senators ay natuliro sa sunud-sunod na pagbubulgar na ginawa laban sa kanila ni Sen. Raffy Tulfo tungkol sa mga pagmamalabis at kapabayaan sa posisyon na nakakaapekto sa pamumuhay ng mamamayan.
Ang mga ginawang pag-atake ni Sen. Raffy ay pagpapatunay na hindi nagkamali ang taumbayan sa pagboto sa kanya, meron siyang "balls" para ibulgar ang mga gov't. officials at elected officials na nagmamalabis at nagpapabaya sa posisyon.
◘◘◘
DAPAT MAGPAKITA NG GALIT ANG TAUMBAYAN SA CONFIDENTIAL FUNDS NG MGA TRAPO—Nanawagan si Sen. Koko Pimentel sa taumbayan na magpakita ng galit sa confidential funds na hinihingi ng mga trapo.
Dapat suportahan ng mamamayan ang panawagan ni Sen. Pimentel, dapat talagang magpakita ng galit ang taumbayan sa confidential funds kasi hindi katanggap-tanggap na magkakaroon ng ganyang pondo ang mga trapo na confidential nilang gagastusin.




Comments