Beauty queen, kahit wala na sa show niya…
- BULGAR
- Jan 11, 2021
- 2 min read
WILLIE, UMAMING PINUPUNTAHAN NI ARIELLA SA BAHAY NIYA SA TAGAYTAY
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 11, 2021

Once and for all ay nagsalita na si Willie Revillame kung bakit nawala si Miss Universe 2013 3rd Runner-up Ariella Arida sa Wowowin may tatlong taon na ang nakararaan.
Nagkaroon kasi ng espekulasyon noon na nagkaroon ng samaan ng loob ang dalawa bukod pa nga sa at that time ay nali-link din sila.
Sa recent episode ng Wowowin ay guest co-host si Ariella na first appearance niya sa show matapos ang kanyang pag-alis noong 2017.
Tinanong ni Direk Bobot Mortiz (creative director ngayon ng Wowowin) si Ariella kung bakit siya biglang nawala noon sa show.
Si Willie ang sumagot. Aniya, “Gusto kong tampalin ‘yan, eh.” Tawanan.
At dito na nga nilinaw ni Willie kung bakit nga biglang nawala sa show si Ariella.
“Para malaman ng tao, baka akala ng tao, lagi kong tinatanggal ang mga co-hosts, hindi ho, sila (ang) nawawala,” sey ng TV host.
Ikinuwento ni Willie na may sakit siya that time at si Ariella sana muna ang papalit sa kanya bilang host. Pero bigla raw itong nagpaalam sa kanya.
“Pumasok sa kuwarto ko, ‘Wil, naka-book na ako, aalis na ako sa Friday.’ ‘Saan ka pupunta?’ ‘Las Vegas, kasi Miss Universe, hindi ako makatanggi,’” pagkukuwento ni Willie sa naging pag-uusap nila noon ni Ariella.
“May sakit ako, dapat, siya magko-co-host muna. Iniwan ako. O, 'di ba? So, para malaman n’yo. ‘Yun ho ang totoo niyan,” sabi pa ni Willie.
Pero pinuri naman niya ang beauty queen na mabait daw naman ito at hindi nakakalimot sa kanya kahit wala na sa show.
“'Pag New Year, pinupuntahan pa niya ako sa Tagaytay, nireregaluhan ako. ‘Itong last Christmas, may regalo na naman siya sa akin. Hindi nakakalimot ‘yang si Ariella,” kuwento pa ni Willie.
Nilinaw din ng TV host na hindi siya nagtatanggal ng tao nang walang rason.
“Tandaan n’yo, ha, ang patakaran ko lang dito sa programang ito, be professional. 'Pag 1 minute late, umuuwi talaga sa akin ‘yan. Bakit? Eh ‘yung mga janitor, galing ng Batangas, eh, galing ng malayong lugar, eh, magkano lang suweldo nila, P550 lang. Pero on time.
“Eh, kayo, magkakano? Daan-daang libo mga sinusuweldo n’yo!” sey niya sa mga co-hosts.
Payo ni Kuya Wil sa kanyang mga staff and co-hosts, “Kung mahal n’yo ang pamilya n’yo, mahalin n’yo rin ang programang ito kasi ang programang ito ang magbibigay ng magandang buhay sa pamilya n’yo.”
Comentarios