Alamin: Paano maiiwasan ang pagbabalik-balik ng UTI?

May 23, 2020

Dr. Shane M. Ludovice, M.D / Sabi ni Doc

  

Dear Doc. Shane,

Bago ako pumasok bilang cashier sa isang pharmacy ay nagpa-medical kami pero dahil ako ay may UTI, hindi ako agad nakapagsimula. Sa kabutihang-palad, gumaling naman ako kaya nang nakapagtrabaho na. Pero ilang buwan na ang nakararaan mula nang gumaling ako, tila bumalik ang aking UTI. Ano ba ang dapat kong gawin upang maiwasan ang pagbabalik-balik nito? - Ja

 

Sagot

Ang urinary tract infections infection (UTI) ay mga uri ng sakit na umaapekto sa daluyan ng ihi. Ito ay dulot ng mga mikrobyo, partikular ang bakterya na nagpapahina sa kakayahan ng katawan na labanan ang sakit na maaaring umapekto sa bahaging ito ng katawan.

 

 

Mga sintomas:

 

  • Mahapding pakiramdam sa ari tuwing umiihi

  • Dumadalas na naiihi kahit walang lumalabas na ihi

  • Pagkakaroon ng dugo sa ihi (hematuria)

  • Malabo o kulat tsaa na ihi

  • Ihi na may masangsang na amoy

  • Pananakit ng balakang sa kababaihan

  • Pananakit sa bandang puwitan ng kalalakihan

  • Pananakit sa mga tagiliran at itaas na bahagi ng likod

  • Pagkakaroon ng lagnat

 

Mga salik sa panganib ng pagkakaroon ng UTI ay ang mga sumusunod:

 

  • Pagbubuntis

  • Menopause period

  • Pagiging diabetic

  • Pagpapabaya sa hygiene

  • Pagpipigil ng ihi

  • Pagkakaroon ng sakit sa bato o kidney stones

  • Pagkakaroon ng medikal na operasyon sa urinary system

  • Paggamit ng tampon

 

Maaaring iwasan ang UTI sa pamamagitan ng mga sumusunod:

 

  • Pag-inom ng maraming tubig. Lubhang napakahalaga nito sa ikapananatiling malinis ng urinary tract. Mapadadalas nito ang pag-ihi na ang resulta ay ang dalas din ng pag-alis ng mga bakterya mula sa urinary system.

  • Ugaliing umihi pagkatapos makipagtalik. Ito ay tumutulong na maalis ang anumang sangkap na naiwan sa loob ng ari na maaaring magdulot ng UTI.

  • Iwasan ang mga matatapang na mga feminine wash. Maaari nitong masira ang natural na balanse ng mga bacteria sa loob ng ari.

  • Ugaliing palitan ang mga birth control item na ginagamit. Nakatutulong ang hakbang na ito para maiwasan ang pagdami ng mga mikrobyo sa loob ng ari.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr