Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pacman, target kasahan nina Porter at Haymon

September 13, 2019

 

 

 

Tila isang mabangong bulaklak para sa mga bubuyog na welterweight fighter’s si 8-division world champion Manny “Pacman” Pacquiao at lahat ay nais makasahan siya. 


Isa sa mga nag-aasam na masubukan ang lupit ng kamao ng Pambansang Kamao ay si Shawn “Showtime” Porter na tatangkain munang pagsamahin ang titulo nito na World Boxing Council (WBC) welterweight title laban kay International Boxing Federation (IBF) 147lb king Errol Spence Jr. sa kanilang unification bout sa Set. 28 sa Staples Center sa Los Angeles, California.


Marami ang pumupuntirya sa 40-anyos na World Boxing Association (WBA) champion partikular na sa mga kasamahan nitong welterweights sa Premier Boxing Champions ni Al Haymon na gusto ring maramdaman ang pagragasa nito kay Keith Thurman noong Hulyo 20 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.


Ang makakalaban ni Porter na si Spence ay nagawa ring hamunin ang fighting Senator, gayundin ang mga naghahangad ng rematches na sina Thurman, Adrien Broner at Jeff Horn habang itinatapat rin sa pambansang kamao sina Mickey Garcia, Amir Khan at Danny Garcia.

 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr