Zaldy Co, wala na sa Czech Republic
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
ni BRT @News | April 28, 2026

Photo: Zaldy Co - FB
Wala na sa Czech Republic ang dating kongresista at puganteng na si Zaldy Co.
Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Fredderick Vida, matapos ang pakikipagpulong sa Ministry of Justice ng Czech Republic.
Gayunman, hindi na umano nagbigay ng karagdagang detalye ang mga awtoridad ng Czech Republic tungkol sa kinaroroonan ni Co, alinsunod sa umiiral na mga patakaran sa Schengen Area at sa data privacy rules.
Pinaniniwalaang nananatili si Co sa loob ng Schengen Area—isang border-free zone na binubuo ng 29 na bansa sa Europe.




Comments