Yulo, naka-ginto na, tiyak pa rin ang POC sa 7 pang ginto sa Asian Games

by Gerard Arce @Sports News | September 24, 2026

Photo: gma/pocmedia
Nadagdagan na ni Carlos Yulo ng isa pang gintong medalya ang kanyang koleksyon matapos manalo sa men’s floor exercise final sa iskor na 14.666 sa 2026 Asian Games ngayong Huwebes sa Japan. Ito ang unang medalya ni Yulo sa Asian Games at ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa Palaro ngayong taon.
Sinisiguro pang sina EJ Obiena ng pole vault, Alex Eala ng tennis at Annie Ramirez ng jiu-jitsu pati na ang Gilas Pilipinas men's at women's ang magwawakas sa 61-year gold medal drought ng men’s basketball sa bansa sa 20th Aichi-Nagoya Asian Games.
Lampas sa 8 mga pambato ng bansa ang posible pang makapag-uwi ng ginto para sa Pilipinas, paniguro ni Philippine Olympic Committee President Abraham 'Bambol' Tolentino. Kumpiyansa pa rin si Tolentino sa asinta niyang 8 gintong medalya para sa Team Pilipinas sa Asiad.
Nakatisod na ng anim na medalya kaya nasa tamang daan na ang Pinas upang maisakatuparan ang naturang misyon. Nariyan pa ang weightlifters pati na ang mga pambato ng Pinas sa MMA, boxing, athletics, 3x3 basketball, esports (Mobile Legends) at jiu-jitsu pa.
Malaking dalangin ng Philippine national team na malampasan ng apat na gintong medalya na nakamit sa huling dalawang edisyon ng quadrennial meet. Una nang naka-bronze ang women’s team Soft Tennis na binubuo nina Princess Catindig, Noelle Manalac, Kristy Sanosa, Shyryn Salazar at Hilary Paas kontra defending champion at hometown bet na Japan.
“Soft tennis nagka- medal na," pahayag ni Tolentino, na umaasang malalampasan ng bansa ang apat na gintong medalya. “Sana we’re all praying for that na sana malampasan, sana ma-doble, Shala. Lahat yung mga pangarap natin dahil handang handa naman tayo sa Asian games after four years, pinaghandaan talaga ito.”
Optimistiko rin si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick “Pato” Gregorio sa magiging kampanya ng national squad na inaasahang buong pusong kakampanya at lalaban para sa bansa at sa kanilang pamilya.
“The whole nation rallies behind our athletes as they carry the flag and the dreams of our country. You have worked hard and sacrificed much to be here,” wika ni Gregorio sa kanyang mensahe. “Focus your mind and remember your purpose—para sa sarili, para sa pamilya, para sa bayan.
Sa bawat laban, ipakita ninyo ang puso ng atletang Pilipino. Lahat kami ay nakaabang at nakasuporta. Laban, Pilipinas!” Determinado namang ibigay ng mga atleta ang kanilang lahat upang magwagi ng gintong medalya sa bansa, kung saan sasandalan ang mga combat sports mula boxing, jiujitsu, mixed martial arts, judo,non-combat sports tulad ng gymnastics, athletics, tennis at iba pa.
Naka-silver na si Jean Claude Saclag sa men’s under-65kgs Traditional at bronze si Carlos Alvarez sa men’s under-77kgs Traditional sa MMA aksyon. Bronze din si Marie June Adriano sa karate at bronze din ang kata team nina Rebecca Torres, Samantha Veguillas at Isabelle Arrogante,





Comments