YouTube channel tinanggal, rumesbak.. Amerika, 'di ako mapapa-stop — Quiboloy

ni Mai Ancheta | June 24, 2023

Nagsalita na si Pastor Apollo Quiboloy kaugnay sa pag-delete ng YouTube sa kanyang channel.
Sinabi ng pinuno ng Kingdom of Jesus Christ na ang ginawa sa kanya ay political at religious persecution ng Amerika.
Naniniwala si Quiboloy na ang Amerika ang nasa likod nang pagpapa-delete sa kanyang YouTube account dahil gusto ng Estados Unidos na maghari.
"Gusto ng Amerika na sila lang ang maghari sa sanlibutan," ani Quiboloy.
Hindi na aniya bago sa kanya ang ginagawa ng Amerika at hindi na tinatablan ng kahit na anong paninira dahil bulletproof ito.
Sinabi pa ng Pastor na hindi siya titiklop sa pagsasalita ng totoo laban sa Amerika.
"Bullet proof ako, hindi ako tinatablan ng anumang mga bagay na ginagawa n'yo. Akala n'yo ako'y titiklop at mga kasamahan ko sa pagsasalita ng totoo? You are just embolding us," dagdag ni Quiboloy.
Matatandaang dinelete ng YouTube ang account ni Quiboloy dahil sa reklamo ng isang netizen dahil isa umano itong wanted sa listahan ng Federal Bureau of Investigation sa Amerika.





Comments