Yes, ganern, Bea!... JULIA, BINURA NA ANG PATUTSADA KAY KIM SA PANLALAGLAG SA KANILA NI GERALD
- BULGAR

- Nov 1, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | November 1, 2020

Maagang tinapos ni Julia Barretto ang isyung pinaringgan niya si Kim Chiu matapos ang diumano’y pambubuking nito sa kanila ni Gerald Anderson sa It’s Showtime.
Nag-viral ang Instagram post ni Julia na may caption na: “Out here minding my own business,” pero ngayon ay burado na ito at inilagay ang comment box sa setting na “comments on this post have been limited,” kaya hindi na makapag-post ang gustong sumali sa “shading” daw ni Julia kay Kim.
Kaya lang, naisip na ng mga netizens na para kay Kim ang post na ‘yun ni Julia at hindi na mababago ang paniniwala nilang ito. Nadagdagan pa nga nang i-delete ni Julia ang caption at palitan ng emoji na hindi namin maintindihan ang ibig sabihin.
In fairness, 'kaaliw si Kim sa controversial video na ‘yun at mukhang hindi siya aware na may sisimulan siyang kontrobersiya at nanlaki pa ang mga mata nito nang magtawanan ang mga kasama sa studio.
'Kaaliw din si Kim nang mag-sorry sa boyfriend niyang si Xian Lim dahil nabanggit niya ang ex na si Gerald. Katuwaan lang daw ang kanilang ginagawa na tiyak namang naintindihan ni Xian.





Comments