top of page
Search
  • BULGAR

Year of the Monkey, kailangang matuto mag-ipon kahit magastos

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | May 20, 2021



Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Monkey o Unggoy ngayong Year of the Metal Ox.


Kung ikaw ay isinilang noong 1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016 at 2028, ikaw ay naiimpluwensiyahan ng animal sign na Unggoy.


Bukod sa pagiging tuso, matalino at mautak, ang Unggoy ay palagi ring mapamaraan. Anumang problema ang kanyang napapasukan, sa sarili niyang diskarte at malikhaing aksiyon o pagkilos, madali niyang nasosolusyunan nang epektibo at mabisa ang anumang suliranin o problema na kanyang kinakaharap.


Gayunman, dahil ilkas na makasarili at egoistic, kadalasan ay hindi niya pinapansin ang problema at sularanin ng iba at sakali mang hihingi ka ng payo sa isang Unggoy, tiyak na papayuhan ka nito ng isang mabilisang solusyon sa kahit anong iyong pinoproblema. Dahil para sa kanya, hindi na dapat pahabain at palakihin pa ang problema at sa halip, dapat itong sinosolusyunan agad. Kaya naman karamihan sa tulong ng Unggoy sa kanyang mga kaibigan at kasama ay hindi gaanong napapansin, dahil sa anumang pagtulong na kanyang ginagawa, kulang na kulang ang isang Unggoy sa concern, pagkalinga at pag-aalala.


Sa negosyo, pangangalakal at mareyal na bagay, madaling magkapera at gumawa ng pera ang isang Unggoy. At kapag siya ay nagkakaroon ng salapi o suwerteng pang-materyal, asahan mong ito ay hindi isa-isa kundi sunod-sunod pa.


Samantala, kung matutunan lamang ng Unggoy na mag-ipon, isaalang-alang at paghandaan ang kanyang future, tiyak na siya ay yayaman nang yayaman, hanggang makaipon ng maraming-maraming materyal na bagay.


Ngunit kung patuloy na magiging bulagsak at easy-go-lucky na attitude ang palaging paiiralin na isang likas na ugali ng Unggoy, tulad ng dating mayaman, malamang na saglit lang niyang mararanasan ang kasaganaan at tuloy-tuloy na ulit siyang masimot at maghirap.


Dagdag pa rito, sinasabi ring dahil sa husay at galing magsalita ng Unggoy, may mabilis na isip at palaging positibo sa kanyang buhay. Bagay na bagay sa isang Unggoy ang gawaing may kaugnayan sa stockbrokers, pagbebenta ng anumang bagay at puwede rin sa kanya ang maging isang lawyer o diplomat.


Sinasabi rin na kung magkakaroon ng malaking layunin at seseryosohin ng Unggoy ang pagpapayaman at pagpapalago ng kabuhayan, walang duda na bago pa siya isinilang, itinakda na sa kanya ng langit ang isang asensado at mayamang-mayamang pamumuhay.


Itutuloy

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page