top of page

Yasmine Vargas, nagsampa ng 20 counts ng cyber libel vs maling mga paratang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 days ago
  • 1 min read

ni Cristine Marish Rivera @Entertainment | April 21, 2026



Yasmine at Alfred Vargas sa pagsampa ng kaso sa isyu ng bullying - FB

Photo: Yasmine at Alfred Vargas / FB



‘Silence is no longer an option’


Inanunsyo ni Yasmine Vargas, asawa ng aktor at Quezon City Councilor na si Alfred Vargas, ang kanyang pagsasampa ng 20 counts ng cyber libel laban sa mga maling paratang sa kanilang pamilya.


Sa inilabas na pahayag ni Yasmine, sinabi na sinubukan nila itong idaan sa maayos na pag-uusap noong Pebrero, ngunit nagpatuloy pa rin ang social media posts na aniya’y hindi maaaring magpatuloy.


“Pinili naming dumaan sa tamang proseso. Nagsampa na po kami ng reklamo at kalakip nito ang aming ebidensya. Tiwala po kami na lalabas ang katotohanan,” ayon kay Yasmine.


Matatandaang nagsampa ng kasong kriminal ang mag-asawa laban sa mga magulang ng isang menor-de-edad na umano’y nang-bully at umabuso sa kanilang anak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page