Search
  • BULGAR

WTA, carry over ng mahigit P3.8 M sa MMTCI

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | March 3, 2021



Pukpukan ang laban na magaganap sa karera ngayon Miyerkules dahil nakataya ang mahigit na P3.8 M na carry over sa Winner Take All (WTA) sa Metro Manila Turf Club,Inc.(MMTCI), Malvar, Batangas.


Magaganap ang carry over sa Ist WTA sa Race 1 hanggang race 7,na may kabuuang P3,845,354.19. Kasabay nito magaganap ang dalawang Pick 6,isang Pick 5 at Pick 4 na may kabuuang siyam na karera magsisimula ng ala-5:30 ng hapon.


Sa Race 1 nakakalamang ang Bunso(7) at makakalaban ang Cat’s d Day(I),Crystal Creek(4) at Jersy Saving(2). Sa race 2 pinapaboran ang Magaskawee(7),makakalaban ang Can You Giub(8) at Oh Lala(2). Sa Race 3 susubukan ang Troubadour(5) at magsisilbing kalaban ang Best Regard (8) at tapunan ang Sailing Alone(5). Sa Race 4 nakalalamang ang Fantastic Matty (13) baka umulit muli ang Jacqueline (8) at manmanan ang Kiwi Rose (II). Sa Race 5 subukan muli ang San Rafael (1) panegunda ang MacArthur Park, wag mawawalan ng Clemente (10). Sa Race 6 balikatan ang laban ng Calbayog (6) My Jopay (3) at Magnificent Lady. Sa Race 7 nakalalamang ang Tulos Express(I2) makakalaban ang Bitcoin (2). Sa Race 8 patok ang With Afan Star(2) pamorkas ang Good Reason(4). Sa Race 9 nakalalamang ang Sultanov (12) magsisilbing katunggali ang mellifluous (14) at pandehado ang Pendant (11).

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.