Wowowin talaga!... 2 BAGO NI WILLIE, PAREHONG MISS U PHILS. RUNNER-UP

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 7, 2020

Dalawang beauty queens ang magiging bagong co-hosts ni Willie Revillame sa kanyang game show na Tutok to Win sa Wowowin. Ito ay sina Billie Hakenson at Pauline Amelinckx na mga Miss Universe Philippines 2020 runners-up.
Mula sa pagiging beauty queens, sasabak sa hosting sina Pauline at Billie. Katunayan, nu’ng Thursday ay nag-rehearse na ang dalawang magagandang dilag.
Isinalang agad sa live Tutok to Win kahapon (Friday, Nov. 6) sina Billie at Pauline kung saan sa Wowowin Studio ginanap ang programa. Every Friday kasi ay live na mapapanood sa Wowowin Studio ang programa ni Kuya Wil.
May bilin sa dalawang beauty queens ang mahusay na TV host, ‘wag daw siyang tatawagin ng mga ito ng "Kuya Wil".
Hmmm…





Comments