top of page

Worried na ‘di pakasalan ng BF, walang plano sa future

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 6, 2021
  • 2 min read

Updated: Jan 9, 2021

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| January 6, 2021




KATANUNGAN


  1. May boyfriend ako at magpa-five years na kami. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi niya naman binabanggit sa akin ang tungkol sa kasal, samantalang ang totoo nito ay parang mag-asawa na kami at ang kulang na lang ay kasal?

  2. Ano sa palagay n’yo, tototohanin ba ito ng boyfriend ko o sa bandang huli ay hindi rin kami ang magkakatuluyan? Ang ikinatatakot ko kasi, baka matulad ako sa iba na mahabang panahong naghintay, tapos hindi rin pala sila ang nagkatuluyan.

  3. Maestro, ano sa palagay n’yo compatible ba kami ng boyfriend ko at kami na ang magkakatuluyan?


KASAGUTAN


  1. Wala kang dapat pag-alinlanganan o katakutan dahil anuman ang mangyari, kayo na ang magkakatuluyan ng kasalukuyan mong boyfriend. Ito ang nais sabihin ng kaisa-isang malinaw at maganda namang Marriage Line (Drawing A.a t B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na sa sandaling nakipag-usap ka nang masinsinan sa kanya, tiyak ang magaganap, maiintindihan mo rin ang kanyang pasya kung bakit parang wala pa sa plano niya na pakasalan ka at ang pagtatayo ng sariling pamilya.

  3. Maliwanag naman ang posibleng maging dahilan, maaaring nagpapagawa pa pala siya ng bahay na inyong titirahan o nag-iipon pa siya ng maraming-maraming pera na gagamitin sa inyong kasal. Kapag natuklasan mo ang mga ito, sa halip na magalit ka, baka bigla ka pang maiiyak sa sobrang tuwa (Drawing A. at B. H-H arrow b.), dahil hindi mo alintana na sobrang mahal ka pala niya at sobrang responsable pala siyang lalaki dahil malayo pa lang ay pinaglalaanan niya na talaga ang future ng itatayo n’yong pamilya.


DAPAT GAWIN


Habang, ayon sa iyong mga datos, Katlyn, humigit-kumulang ganu’n nga ang mangyayari kung saan malaon na palang inihahanda ng boyfriend mo ang isang masayang kasalan na tinatayang magaganap sa 2021 sa buwan ng Disyembre sa edad mong 29. Ang nasabing pag-aasawa ang siya na ring magiging simula ng isang masaya, maunlad at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page