World’s fastest man Bolt, nagpositibo sa COVID-19
- BULGAR

- Aug 26, 2020
- 1 min read
ni MC - @Sports | August 26, 2020

Inamin ng tinaguriang world’s fastest man at sprint king na si Usain Bolt na naka-self quarantine ito ngayon matapos magpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Bolt, ikinalulungkot nito na inabutan siya ng salot na COVID-19 at umaasa na wala siyang nahawahan na mga kaibigan at kamag-anak.
Sinabi ni Bolt, wala umano siyang sintomas nang magpositibo sa pandemic na coronavirus at sinabihan na rin umano nito ang iba niyang mga kaanak at kaibigan na nakausap o nakasama nito na mag-ingat at maaaring nahawahan rin sila ng virus.
“I am trying to be responsible so I am going to stay in and be safe,” wika ni Bolt na isiniwalat ang sitwasyon gamit ang kanyang twitter account matapos sumailalm sa swab test noong Sabado.
Base sa ulat, nagdaos ng sorpresang birthday party ang mga kaibigan ni Bolt para sa kanya noong gabi bago siya ma-test na positibo sa virus na dinaluhan ng mga kaibigan sa sporting stars gaya ni Mancheste City star footballer Raheem Sterling.
Huling lumaban si eight time Olympic champion Bolt, may hawak ng world record sa 100m at 200m, sa International competition noong 2017 World Championships sa London.
Sa ngayon, umaabot na sa 24 na milyon ang tinatamaan ng virus at nasa 800,000 na rin ang naiuulat na namamatay.





Comments