Work Bell, kampeon sa 1st Leg Juvenile Stakes Race
- BULGAR

- Oct 12, 2020
- 1 min read
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | October 12, 2020
Nanguna sa 1st Leg Juvenile Fillies and Colts Stakes Race ang kabayong Work Bell na may limang kabayo ang layo sa kalaban sa Santa Ana Leisure Club sa Naic, Cavite.
Nagkamit ng P.6 milyon ang nangunang Work Bell at tumanggap ng halagang P225,000 ang pumangalawang Kiss Muna at tumanggap ng P125,000 ang terserang Meteora at napunta naman ang P50,000 sa 4th place na My Sweet Lord.
Sa umpisa ng karera agad kinuha ng Meteora ang unahan habang nakasunod kaagad ang Work Bell habang parang nauupos na kandila ang liyamadong Keblar. Paglampas sa huling likuan kinuha ng Work Bell ang unahan hanggang sa tuluyang lumayo sa limang kabayo mula sa mga kalaban.
Ang Work Bell, ay pag-aari ng Bell Stable Inc., na siya ring may-ari ng kabayong Union Bell ang itinanghal na kampeon sa 2019 Philracon Juvenile Stakes Race. Naorasan ang Work Bell ng 1:I8.4 sa distansiyang 1,300 meters. Tanging ang Bell Stable ang nakagawa ng rekord na kinaha ang Juvenile Stakes Races sa magkasunod na taon.





Comments