top of page

Women's Booters paborito sa 19th Asian Games China

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 8, 2023
  • 3 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 7, 2023

ree

Mabigat na paborito na mag-uwi ng medalya ang Philippine Women’s Football National Team sa 19th Asian Games Hangzhou na sisipa sa Setyembre 22. Nagsumite ang Philippine Olympic Committee at Philippine Football Federation ng 22 pangalan noong Hulyo 25 sa gitna ng kampanya ng Filipinas sa 2023 FIFA Women’s World Cup subalit asahan na ito ay dadaan sa ilang pagbabago bago ang opisyal na kompetisyon.

Halos ang buong koponan na nasa New Zealand noong panahon na iyon ay inilista. Ang mga nawala ay sina Angela Beard, Ryley Bugay, Anicka Castaneda at Kaiya Jota at pinalitan sila nina Maya Alcantara, Eva Madarang at Inna Palacios.

Matapos isapubliko ang listahan ay inihayag ni Bugay sa social media ang kanyang pagretiro sa Football. Ipagpapatuloy niya ang pag-aaral ng Medisina sa Indiana University sa Amerika.

Ito ang unang pagsubok ng bagong talagang head coach Mark Torcaso. Noong nakaraang linggo, nagsagawa si Coach Torcaso ng kampo sa Rizal Memorial Stadium kung saan nag-imbita siya ng ilang beterana na nandito sa Pilipinas subalit mas marami ang mga baguhan na buhat sa PFF Women’s League.

Ang listahan ay bilang tugon sa patakaran ng Asian Games. Ang mga unang araw ng palaro ay pasok sa parating na FIFA Window mula Setyembre 18 hanggang 26 at maaaring maapektuhan ang mga bansang papasok sa quarterfinals na magsisimula sa Set. 28 dahil hindi na obligado ang mga club na ipahiram ang mga manlalaro sa pambansang koponan.

Karamihan ng mga Filipinas na nasa ibayong-dagat ay naka-kontrata sa mga professional club at may ilan na varsity ang paaralan. Dahil dito, pinaghahandaan ni Coach Torcaso ang biglang pagliban ng mga ito. Bubuksan ng Pilipinas ang kanilang kampanya sa Grupo E laban sa Hong Kong sa Setyembre 22 sa Wenzhou Sports Centre.

Comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page