top of page
Lakam Chiu arrested - Circulated ABS-CBN.jpg

Lolo Ninoy at Tito Noynoy, gagayahin… BIMBY, GAME MAG-JOIN SA PULITIKA, KRIS NAALARMA

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
2 min read

by Showbiz @Entertainment | September 24, 2026



BIMBY, GAME MAG-JOIN SA PULITIKA, KRIS NAALARMA

Photo: Bimy at Kris Aquino / FIle



Super proud mama si Kris Aquino kay Bimby Aquino dahil may balak pala itong pasukin ang public service.


Sa isang health endorsement video, nag-open-up si Bimby tungkol sa health journey ng kanyang ina sa nakalipas na ilang taon. 


Aniya, fortunate ang kanilang pamilya dahil nagkaroon sila ng kakayahang maipagamot si Kris at mabigyan ito ng mga treatment na kailangan niya.


Pero para kay Bimby, hindi dapat maging privilege ang pagkakaroon ng access sa healthcare.


“Health should not be a privilege. Nor should it be a struggle. It should be a given,” sey niya.

Ikinatuwa naman ito ni Kris at hindi niya napigilang ipahayag ang kanyang pagiging proud mama sa anak.


Sa comments section, sinabi ni Kris na sinadya niyang hintaying mai-post ang video bago niya ito panoorin dahil gusto niyang makita mismo ang naging resulta.


“Bimb, I purposely waited for the video to be posted before watching, and I am a very proud mama. You spoke from the heart,” ani Kris.


Ibinahagi rin ni Kris na madalas nilang napag-uusapan ni Bimby ang kahalagahan ng healthcare at ang kanyang pananaw na dapat itong maging accessible para sa mga Pilipino.


Nang sabihin naman ni Bimby na nais niyang pumasok sa public service balang-araw, sinabi ni Kris na agad niya itong pinaalalahanan.


Ayon sa Queen of All Media, mahalaga sa kanya ang edukasyon ng mga bata. Pangarap niyang magkaroon ang mga public schools ng mas maayos na Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) classrooms, kumpleto sa computers at strong internet connection.


Sa ganitong paraan, naniniwala si Kris na mabibigyan ang kabataan ng mga kasanayang kailangan nila para magkaroon ng magandang trabaho sa hinaharap dahil mabigat itong responsibilidad.


Sey ni Kris, “The two of us have often discussed that healthcare should be the government’s responsibility for all tax-paying citizens. When you told me that you wanted to go into public service, I already started to nag you that healthy citizens will be hardworking, tax-paying citizens.”


Gayunman, umaasa rin siya na magkakaroon ng sapat na trabaho sa Pilipinas upang hindi na kailanganin ng mga kabataan na mangibang-bansa para lamang magkaroon ng magandang career.


Sa kabila ng patuloy na health challenges, nakabalik na rin kamakailan si Kris sa isang promotional campaign at nagpahayag ng plano na gumawa ng bagong video podcast.

Para naman kay Bimby, naging personal ang kanyang pananaw sa healthcare dahil mismo sa mga pinagdaanan ng kanilang pamilya. 


Isa rin sa mga aral na itinuro sa kanya ni Kris mula pagkabata ang kahalagahan ng pag-aalaga sa sariling kalusugan bago pa magkaroon ng problema.


“My mom always told me that if you don’t take care of your health at an early age, your health problems might catch up to you,” kuwento ni Bimby.


Kaya naman, payo niya sa mga kabataan, “As early as you can, make sure that your health is well taken care of.”


Ang tanong, susundan kaya ni Bimby ang yapak ng kanyang Lolo Ninoy at Tito Noynoy Aquino sa public service, o itutuloy pa rin niya ang kanyang showbiz career?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page