top of page

Wine, simbolo ng magandang kalusugan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 30, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 30, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joseph ng Bukidnon.


Dear Maestra,

Magandang araw sa inyong lahat d’yan sa BULGAR. Isa ako sa marami ninyong tagahanga sa pag-aanalisa ng panaginip. Ibig kong malaman kung ano ang kahulugan ng panaginip ko kagabi. Napanaginipan ko na nakikipag-inuman ako sa mga kaibigan ko ng whisky, tapos naubos agad ang alak kaya pinalitan namin ng wine ang iniinom namin. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Joseph


Sa iyo, Joseph,

Ang whisky ay nangangahulugan na hindi mo kayang iwasan ang pag-inom ng alak hanggang ikaw ay malasing. Nagbababala ito na iwasan mo na ang paglalasing dahil hindi mabuti sa kalusugan kung ikaw ay magiging lasenggo.


‘Yun namang wine ang ipinalit ninyo sa whisky nang ito ay maubos na, maganda ang ibig sabihin ng wine. Ito ay nangangahulugan ng kaligayahan at kasaganaan sa buhay, simbolo ito ng magandang kalusugan at kasiyahan sa buhay. Kung uminom ka ng wine sa panaginip mo, ang ibig sabihin niyan ay madalas kayong magkakatuwaan ng mga kaibigan mo at mapapadalas ang bonding moment ninyo. At kung anuman ang dinaranas mong problema sa kasalukuyan, ito ay lilipas at malulutas din. Liligaya ka na sa darating na mga araw.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page