Wedding gown, regalo ni Kathryn… LOVELY AT BENJ MANALO, IKINASAL NA

ni Nitz Miralles - @Bida | January 25, 2021

Ikinasal na rin pala noong Saturday (January 23) sina Lovely Abella at Benj Manalo kaya opisyal nang manugang ni Jose Manalo ang aktres-dancer.
Regalo ni Kathryn Bernardo ang wedding gown ni Lovely na two days lang daw ginawa ng Steph Couture.
Naging friends kasi sina Lovely at Kathryn sa shooting ng Hello, Love, Goodbye pero kung marami ang natuwa sa friendship na ‘yun, meron ding ilang KathNiel fans ang ayaw.
Ang nakikita naming rason ay dahil friends sina Lovely at Alden Richards na nakatambal ni Kathryn sa HLG. Inakusahan pa si Lovely ng ilang KathNiel fans na naninira ng relasyon nina Kathryn at Daniel Padilla.
Sa araw ng kanyang kasal, na-bash si Lovely na kanyang ipinost at sinagot ang akusasyong manggagamit siya at sinisira ang relasyon nina Kathryn at Daniel.
Aniya, “‘Di maatim ng puso ko na manira ng relasyon dahil kahit ano pa ang mangyari, (KathNiel) forever, 'noh!”
Sobrang thankful si Lovely sa regalo ni Kathryn at sa pagpunta sa kasal nila ni Benj. Pinayuhan si Lovely ng ibang KathNiel fans na ‘wag nang intindihin ang ibang ayaw tanggapin ang friendship nila ni Kathryn.





Comments