Wanted na rapist, huli sa hideout
@Balitang Probinsiya | December 01, 2021
CAPIZ—Isang wanted na rapist ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Janguslob, Dumarao.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ronil Mendoza, 25-anyos at pansamantalang nakatira sa nabanggit na bayan.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong panggagahasa sa lalawigan.
Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrulyang operatiba ang suspek sa nasabing lugar kaya agad itong dinakip.





Comments