top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Walang tigil na pagsampa sa barko at yayaman pa, nakatakda sa seaman

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 4, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| December 4, 2020




KATANUNGAN


  1. Dati na akong naging seaman, kaya lang, nang bumaba ako dahil natapos na ang kontrata ko ay hindi na ako nakabalik sa barko.

  2. Sa ngayon, tinawagan ko na ang agency at sabi nila, maghintay-hintay kami kapag naging normal na ang sitwasyon dahil baka ipatawag na ulit kami. Hindi pa nakakabiyahe ang mga barko namin dahil ban pa sa iba’t ibang panig ng mundo.

  3. Kaya gusto kong malaman, Maestro, kung sa 2021, susuwertehin na ba ulit akong makapag-barko? Sa totoo lang, ubos na ang naipon ko noong huli kong sakay at halos masimot na ang savings ko sa bangko dahil withdraw ako nang withdraw pero wala namang pumapasok.

  4. Pangarap din naming mag-asawa na magkaroon ng sariling bahay at lupa, kalian ito matutupad?


KASAGUTAN


  1. Ang mahalaga, ‘wag kang mawawalan ng pag-asa. Sa halip, magpatuloy ka nang magpatuloy sa pagpa-follow-up sa iyong mga papeles at pag-a-apply, sapagkat sigurado namang darating ang eksaktong panahon kung saan matapos ang pananalasa ng COVID-19 pandemic sa buong mundo, umasa kang magiging normal at maayos na ulit ang lahat.

  2. “Muli kang makapag-babarko”, ito ang nais sabihin ng malawak at malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na habang patuloy kang nag-a-apply at naghihintay ng tawag, palaki nang palaki ang pag-asa na ikaw ay makasampa muli sa barko, at ito ay tinatayang mangyari sa susunod na taong 2021 sa buwan ng Mayo o Setyembre. Ibig sabihin, kung 33-anyos ka ngayon at magte-34 ka na sa December 23, pagsapit ng edad mong ito, may pangako ng ikalawa at paulit-ulit o pabalik-balik na pangingibang-bansa.

DAPAT GAWIN


Ayon sa iyong mga datos, Carlo, ‘wag ka nang mainip o mag-alinlangan dahil sa 2021, magbabago ang takbo ng mga pangyayari. Unti-unting babalik sa normal ang lahat bago sumapit ang edad mong 35, itatala sa kapalaran mo ang ikalawang mas mabunga at mabiyayang pag-a-abroad. Ito na rin ang magiging simula ng walang tigil at tuluy-tuloy na pagsampa sa barko hanggang sa makaipon ka ng maraming-maraming pera, sapat na upang ipampagawa ninyong mag-asawa ng inyong dream house, na masismulang mangyari sa 2025, sa edad mong 38 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page