top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Walang tigil na pagnenegosyo at pag-a-abroad...

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 23, 2021
2 min read

Magpapayaman sa mag-live-in partner na taong otso at singko

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| January 23, 2021



Dear Maestro,


Sumulat ako sa inyo upang alamin ang aking kapalaran, gayundin ang aking destiny number at ang kahulugan nito. Sa ngayon, may kinakasama ako na isinilang noong September 8, 1987, compatible ba kami at kami na ang magkakatuluyan at magiging panghabambuhay na ba ang aming samahan? May 14, 1982 naman ang birthday ko.


Umaasa,

Mr. Taurus ng Sabang, Pagsanjan, Laguna


Dear Mr. Taurus,


Bukod sa birth date mong 14 o 5, (ang 14 ay 1+4=5) ikaw din ay nagtataglay ng destiny number na 3 (5+14+1982=2001/ 20+01=21/ 2+1=3. Ang ibig sabihin ng numerong 3, mabibigo ka muna sa unang pag-ibig na nangangahulugan ding hindi mo makakatuluyan ang una mong girlfriend, gayundin ang ikalawa.


Kaya nga kung ang kasalukuyan mong kinakasama na isinilang noong September 9, 1987 ay ikatlong girlfriend mo, tiyak ang magaganap kung saan kayo na ang magkakatuluyan at habambuhay na magsasama.


Ang pag-aanalisang kayo ang magkakatuluyan ay madali namang kinumpirma ng zodiac sign mong Taurus, na suwetong-suweto sa zodiac sign na Virgo ng kinakasama mo, sapagkat ang Taurus at Virgo ay kapwa pinaghaharian ng elementong lupa o earth. Ibig sabihin, sa usapang Western Astrology, compatible talaga kayo at malaki ang tsansa na kayo na ang panghabambuhay na magsasama.


Ganundin sa aspetong Numerology kung saan ang birth date mong 14 o 5, (1+4=5) ay sadya namang maganda ring isama at ikumbinasyon sa birth date na 17 o 8 (ang 17 ay 1+7=8) ng kinakasama mo. Naging maganda ang pagsasama ng numerong 8 at 5 dahil sa pagnenegosyo at aspetong pangkabuhayan, kapwa sila sinusuwerte, umuunlad, umaaseno hanggang sa yumaman.


Tunay ngang umaasenso at yumayaman ang pagsasama ng numerong singko (5) at otso (8) sa pamamagitan ng walang habas na pagnenegosyo o walang tigil na pag-a-abroad.

Kaya kung may mag-a-abroad o magnenegosyo sa inyong dalawa habang kayo ay nagmamahalan at nagsasama, tiyak na tulad ng nasabi na, ang diskarteng nabanggit ng pamumuhay ang magpapaunlad at magpapayaman sa inyong pamilya.


Ang pag-aanalisang habang patuloy kayong nagmamahalan at nagsasama ay mabilis na aangat ang inyong kabuhayan patungo sa tiyak na pagyaman ay inaasahang magsisimulang maganap, ayon sa Decadens ng Kapalaran sa taong 2023 sa edad mong 41 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page