top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Walang lusot sa mga piktyur… COCO AT JULIA, BUKING NA NAGSASAMA NA SA BAHAY

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2021
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 8, 2021





Maingay na naman ngayon ang tsismis tungkol kina Coco Martin at Julia Montes dahil sa mga separate pictures ng dalawa na ang hinala ng mga fans ay kuha sa bahay ng aktor.


Ang post ni Julia sa kanyang Instagram account last December na nasa isang garden siya ay kontrobersiyal ngayon dahil hinihinalang kuha ito sa mansion ni Coco.


Napansin ito ng CocoJuls fans dahil may kuha rin si Coco na nagdidilig ng halaman at doon ay makikita na halos parehung-pareho ang background sa kuha ni Julia, partikular na ang malaking bato kung saan nakahilig ang aktres.


Pinagtabi ng cocojuls4ever sa Instagram account nito ang mga separate solo photos ng dalawa at sa caption ay nakalagay na “Ang ganda ng garden talaga. Hello sa bato.”


Ang feeling ng maraming fans, nakatira na raw sa iisang bahay sina Julia at Coco.


Nakadagdag pa ngayon sa pag-iingay ng issue ang latest post ni Julia sa kanyang Lyka account na isang bouquet of flowers at sa caption, she wrote, "I'm not afraid of tomorrow because I have you by my side."


Kinilig ang CocoJuls fans sa post na ito at ini-repost nila with matching caption na “SOBRANG NAKAKAKILIG. Sino ba ‘yan Julia?”


May sumagot namang fan na si “brilliant actor” daw ito.


Taon na rin ang binibilang ng tsismis na may relasyon sina Coco at Julia na up to now ay talagang hindi mamatay-matay at nagle-level-up pa nga dahil pagkatapos ng tsika na may baby na sila, ngayon naman ay nagsasama na sila sa iisang bubong ang hinala ng mga fans.


Sa gitna ng mga patuloy na espekulasyon ay nananatiling tahimik sina Coco and Julia na actually ay isa sa mga dahilan kung bakit hindi matuldukan ang issue.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page