top of page
Search
  • BULGAR

Walang katapusan ang pagtitis sa sobrang palpak na internet!

@Editorial | November 27, 2020



Sa isang liblib na barangay sa Kalinga, bayan ng Tabuk sa Apayao, 2-way radio ang ginagamit sa pagtuturo ng mga guro dahil sa kawalan ng signal ng internet.


Ito ang naisip na paraan ng isang teacher-in-charge na si Rafael Gonayan ng Magnao Elementary School upang magkaroon ng komunikasyon ang mga guro at mga estudyante. Kung saan, 154 mag-aaral ang gumagamit ng nasabing 2-way radio system.


Habang pitong guro naman ang araw-araw umanong nagtutungo sa iskul upang magturo gamit ang walkie-talkies.


Habang nagsasagot ng kanilang module, puwedeng kausapin ng mga bata ang kanilang guro gamit ang two-way radio, lalo na kung meron silang katanungan.


‘Ika nga, para-paraan upang maitawid ang edukasyon. Pero, kung may iba pa sanang paraan, galaw-galaw din.


Pero, sa isang banda, tila mas okay pa ang 2-way radio kesa may internet nga, palpak naman!


Ilang araw nang hindi na naman maasahan ang maayos na serbisyo ng mga telcos, buo naman ang singil.


Sana kasabay ng “new normal” ay magsipagbago na rin ang mga kumpanya na laging sablay ang serbisyo.


Panawagan sa ating gobyerno, bigyan na sana ng malinaw na ultimatum ang mga pasaway na ‘to nang hindi ang publiko ang nagdurusa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page