Walang break ang Gilas para maka-adjust sa sistema ni Cone
- BULGAR
- Sep 18, 2023
- 1 min read
ni VA @Sports | September 18, 2023

Maliban sa kanilang naging pamamahinga noong nakaraang Biyernes, tuluy-tuloy na ang ginagawang pagsasanay ng Asian Games bound-Gilas Pilipinas Mula ng dumating sila sa Inspire Sports Academy sa Calamba,Laguna noong Sabado.
Mula noong Lunes-Setyembre 11, walang break sa ensayo ang Gilas upang ganap na matutunan at makapag-adjust sa sistema ng kanilang head coach na si Tim Cone.
"We're gonna be foundational and get to whatever level we can get to by doing it the right way," pahayag ni Cone.
Ibinalita rin ni Cone na bukod sa tuneup match na nakatakda kontra Korean club LG Sakers sa darating sa Biyernes sa Philsports Arena, kakalabanin din ng Gilas ang koponan ng Meralco Bolts sa Martes-Setyembre 19 sa isang scrimmage game sa Inspire Academy.
Dahil sa limitadong oras sa kanilang preparasyon dalawang tune-up games lang ang sasabakan ng Gilas bago sumalang sa Asin Games. Gayunman, naniniwala si Cone na sapat na ito bago sila umalis patungong Hangzhou, China sa susunod na Sabado Setyembre 23.
Magsisimula ang basketball competition sa Asiad sa Setyembre 26 kung saan makakatapat ng GIlas ang koponan ng Bahrain na pinangungunahan ng dating PBA import na si Wayne Chism ganap na ala- 1:30 ng hapon
Si Chism na dating naging import ng Rain or Shine ay nagwaging 2015 Commissioner's Cup Best Import. "We really don't have pretty much time to play a lot of friendly games. To me the practices are more important than the friendlies because we learn more in practices," wika ni Cone.
Bukod sa Bahrain, kasama at makakatunggali ng Gilas sa group stage ang mga bansang Bahrain, Jordan at Thailand.








Comments