Wala raw problema dahil parehong single, Bea... DENNIS, APRUB SA RELASYON NINA JULIA AT GERALD

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 22, 2021

May post na ang rumored celebrity couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson na magkasama sa resort na pag-aari ng aktor, ang Hayati Beach Resort.
Viral tuloy ngayon sa social media ang kanilang larawan na magkatabi.
Komento ng mga netizens: "Kung sila talaga, then so be it. Wala nang pakialaman."
"Sus, hayaan n’yo na, eventually magkakalabasan na rin ‘yan."
"Jusko, hayaan n’yo na sila. Mukhang lahat naman sila, naka-move on na."
May ipinost naman ang ama ni Julia na si Dennis Padilla na throwback graduation photo ng anak.
Caption ni Dennis, "If they are really together, I don't really see any problem with that since they are both single."





Comments