Search
  • BULGAR

Wala nang atrasan… KRIS AT FIANCE, MAY BAHAY NA BAGO PA ANG KASAL

ni Nitz Miralles - @Bida | February 23, 2021




Mukhang si Kris Bernal ang sunod na ikakasal after Ara Mina dahil sa nababasa naming post nito. Sa isa niyang post, kasama nito ang designer na si Mak Tumang na siyang gagawa ng kanyang wedding gown. “Fittings are getting more frequent. Waaaah!”


Sa isa pang post, kasama naman nito ang mga suppliers at that day, seven meetings daw ang hinarap niya, kaya pigang-piga ang brain cells niya.


“It was tiring yet fruitful and productive. Appreciation post to our events coordinator @kathrynkimtorres. Not only she is a pleasure to work with, she also makes work seem fun, stress-free, and effortless considering the timeline!”


Ang maganda kay Kris at sa fiancé niyang si Perry Choi, inuna muna nila ang magpagawa ng bahay bago sila magpakasal, kaya may bahay agad silang titirhan after the wedding.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.