top of page
Search
  • BULGAR

Wala na ngang P20 bigas, may shortage pa?!!

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | July 31, 2023


HINDI NA NGA NATUPAD ANG P20 PER KILO NG BIGAS, TAPOS MAGKAKA-RICE SHORTAGE PA -- Inanunsyo ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na maoobliga raw ang gobyerno na mag-angkat uli ng bigas sa ibang bansa para maiwasang magka-rice shortage sa Pilipinas dahil sa banta raw ng El Niño sa bansa.


Hay naku, hindi na nga natupad ang campaign promise niyang P20 per kilo ng bigas, tapos may nagbabadya pa palang rice shortage sa ilalim ng kanyang administrasyon, tsk!


◘◘◘


KAPAG NAGKA-RICE SHORTAGE TIYAK ANG SISI KAY P-BBM -- Pinayuhan na si P-BBM ng kanyang ate na si Sen. Imee Marcos na magtalaga na ng permanenteng Dept. of Agriculture (DA) secretary, pero may katigasan ang ulo ng Presidente, ayaw sumunod. At dahil diyan, dapat mismong ang misis na niya, si First Lady Liza Araneta-Marcos na ang magpayo sa Pangulo na bitawan na ang pamumuno sa Agriculture department, lalo’t may posibilidad na magka-rice shortage sa bansa dahil nga sa banta ng El Niño.


Sa totoo lang kasi, kapag nagka-rice shortage sa bansa, walang ibang sisihin ang mamamayan kundi si P-BBM, kasi bukod sa siya ang presidente ay siya pa ang umaaktong DA secretary ngayon, period!


◘◘◘


BIGTIME OIL PRICE HIKE, DAGDAG BIGTIME PAHIRAP SA MAMAMAYAN -- Bukas, Agosto 1, 2023 ay may bigtime oil price hike, kasi ang madadagdag sa taas-presyo ng gasolina ay P3.20 hanggang P3.50 per liter; sa diesel ay P2.80 hanggang P3.10 per liter at sa kerosene ay P1.85 hanggang P2.15 per liter.


Kaya ‘yang bigtime oil price hike na ‘yan, nakupo, eh, bigtime na dagdag pahirap din ‘yan sa mamamayan, boom!


◘◘◘


PAGSIBAK NI P-BBM KAY DEREK PAUL TIYAK MASAKIT SA DAMDAMIN NI TONI GONZAGA -- Pinag-resign daw ni P-BBM si Derek Paul Soriano bilang Presidential Adviser on Creative Communications dahil sa isyu ng harassment sa isang empleyado ng Malacañang.


Hindi man aminin, tiyak masakit sa damdamin ni Toni Gonzaga ang pagsibak sa kanyang mister, kasi todo-kampanya siya sa kandidatura noon ni Bongbong for president, tapos ang kapalit pala nito pagsibak sa trabaho sa kanyang asawa, saklap!


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page