top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Wala mang materyal na regalo ngayong Pasko, pagmamahal at pag-unawa lang, sapat na!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 19, 2020
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | December 20, 2020



Ilang araw na lang ay Pasko na. Pihadong abala na ang lahat upang i-celebrate ang okasyong ito, anuman ang pinagdaanan natin sa taong ito.


Nakapamili na ba kayo ng mga ihahanda para sa Noche Buena? Eh, ang mga regalo para sa mga mahal sa buhay at mga inaanak, naibalot na ba?


☻☻☻


Sa mga nagnanais na padalhan ako ng regalo ngayong Pasko, ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako.


Ngunit, dahil panahon ng pandemya ngayon, mas nais kong i-donate na lamang ninyo sa mga taong mas nangangailangan ang halagang ipambibili ninyo ng regalo para sa akin.


Mas kailangan ng tulong ng mga kababayan nating nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal, ng mga bagyong dumaan nitong Oktubre at Nobyembre, at ng mga naapektuhan ng pandemya mula Marso.

☻☻☻


Ilang organisasyon na maaari ninyong padalhan ng regalo ay ang mga sumusunod:

• Cribs Foundation: 8-2806696 / 0917-5112742

• Bright Halls Foundation: 8-2172985

• Arnold Janssen Bahay Kalinga: 0961-2408692


☻☻☻


Sa mga naghahanap naman ng pangregalo o panghanda, sana ay maisip nating bumili mula sa ating mga lokal at maliliit na manininda, sa kanilang physical store man o online.


Malaking tulong ito para sa ating mga manininda o manggagawang naapektuhan ng pandemya ang kabuhayan, lalo na iyong mga nawalan ng trabaho.


Ayon sa pagtataya ng International Labor Organization (ILO), 10.9 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho, o kaya naman ay nabawasan ang kita o oras ng paggawa.


☻☻☻


Hindi man tayo makapagbigay ng materyal na regalo ngayong Kapaskuhan, marami pa rin tayong maaaring maibigay ngayon, tulad ng pagmamahal at pag-unawa.


Madilim man ang nararanasan natin ngayon, ngunit dala ng Pasko ang pag-asa na muli tayong babangon at sisigla.


Muli, maraming salamat, at isang Maligayang at Makabuluhang Pasko sa ating lahat!



☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page