‘Wag magyabang na lumago ang ekonomiya ng 'Pinas, walang bansang maunlad na baon sa utang
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 04, 2023
FAKE NEWS ANG IBINIBIDANG MALAGO ANG EKONOMIYA NG ‘PINAS KASI LUBOG ITO SA UTANG -- Inanunsyo ng Bureau of Treasury (BOT) na nitong nakalipas na August 2023 ay nadagdagan na naman ang utang ng Pilipinas at sa ngayon ay pumalo na ito sa higit P14.35 trillion.
Ang pagkabaon ng Pilipinas sa utang ang nagpapatunay na fake news ang ibinibida ng economic team ng Marcos administration na malago na raw ang ekonomiya ng bansa, kasi sa totoo lang, hindi puwedeng sabihing malago ang ekonomiya ng isang bansang baon sa utang, period!
◘◘◘
KAPAG NAKALAYA SI PORK BARREL QUEEN JANET NAPOLES, HAPPY NA NAMAN ANG MGA PORK BARREL POLITICIANS -- Inabsuwelto ng Sandiganbayan si pork barrel queen Janet Napoles sa isa nitong kasong plunder na may kaugnayan sa pork barrel scam.
Ang sunud-sunod na pagkakabsuwelto ni Napoles sa mga kaso nitong plunder ay pagpapakita na malapit na itong makalaya, at kapag nangyari ‘yan, happy na naman ang mga pork barrel politicians.
◘◘◘
BUTI PA ANG MARCOS ADMIN MAY PA-P1K BONUS SA MGA GURO SA WORLD TEACHERS DAY, SA PANAHON NG DUTERTE ADMIN DINEDMA LANG ANG MGA TITSER NG BAYAN -- Magbibigay ang Marcos administration ng tig-P1,000 bonus sa lahat ng public school teachers sa buong bansa sa pagdiriwang ng World Teachers Day sa Oct. 5, 2023.
Buti pa ang Marcos admin ay kahit paano, may tig-P1K na naisipang bigyan ng bonus ang mga guro sa World Teachers Day, pero ang nakaraang Duterte admin, dinededma lang ang mga guro sa panahon ng World Teachers Day, period!
◘◘◘
NEGOSYANTE ANG ITATALAGA NI P-BBM NA DA SEC. AT MABUTI IYAN KAYSA TRAPO DAHIL BAKA MANGHINGI ITO NG CONFI FUND -- Isang negosyante raw ang itatalaga ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na permanenteng Dept. of Agriculture (DA) secretary.
Buti naman at negosyante ang naisip ni P-BBM na italagang DA sec. kasi kung trapo (traditional politicians), malamang manghingi rin iyan ng confidential fund, boom!





Comments