top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Wa' 'wenta ang economic team ni P-BBM, nganga sa taas-presyo ng bilihin at bayarin

BULGAR
Nov 6, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 6, 2022


DTI AT DA WALA NANG SINABING MAGANDA SA PUBLIKO—Isang araw matapos ianunsyo ni Asec. Ann Claire Cabochan ng Department of Trade and Industry (DTI), na magtataas ang presyo ng sardinas at instant noodles ay inanunsyo naman ni Asec. Kristine Evangelista ng Department of Agriculture (DA) na magtataas din ang presyo ng mga gulay sa bansa.


Hay naku, wala na yatang sasabihing maganda sa publiko 'tong mga taga-DTI at DA, taas-presyo ng mga bilihin na ang palaging naririnig sa kanila.


◘◘◘


ECONOMIC TEAM NI P-BBM, 'NGANGA' KAYA BUWAN-BUWAN SUMISIRIT ANG TAAS-PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN—Sumirit na sa 7.7% ang inflation rate ng Pilipinas noong Oktubre 2022, na ibig sabihin ang mabilisang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin sa Pilipinas ay nararanasan pa rin hanggang ngayong Nobyembre 2022 at maaaring ang inflation rate sa bansa ay sisirit pa kung pagbabasehan ang statement ng DTI at DA tungkol sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Tila nganga lang sa isyung inflation rate ang mga miyembro ng economic team ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) kasi hindi nila ito magawang mapababa dahil noong Agosto 2022 ang inflation rate ng bansa ay 6.3%, pagsapit ng Setyembre 2022 ay naging 6.9% na at last month ay ang laki ng itinaas, 7.7% na!


◘◘◘


PULITIKONG MAY CONFIDENTIAL FUNDS AT PORK BARREL, WA' 'EPEK ANG PAGSIRIT NG INFLATION RATE—Ang buwan-buwang pagsirit ng inflation rate ay malaking dagok at epekto sa buhay ng mamamayan, marami na talagang "umaaray" sa taas ng presyo ng mga bilihin at bayarin sa bansa.


Pero sa politicians ay wa' epek 'yan kasi bukod sa nakakalula ang kanilang suweldo at sangkatebrang allowance, meron pa silang confidential funds at pork barrel.


◘◘◘


SINO ANG 'VERY HIGH PERSON' NA SANGKOT SA PAGPATAY KAY PERCY LAPID?—Sinabi ni Sec. Crispin Remulla ng Dept. of Justice (DOJ) na base sa isinagawa nilang pag-iimbestiga ay "very high person" din ang sangkot sa pagpatay kay broadcast journalist Percival "Ka Percy Lapid" Mabasa.


"Very high person?" Aba'y sino 'yan?


Malalaman ng publiko 'yan bukas, ayon kasi kina Sec. Remulla at journalist Roy Mabasa na utol ni "Ka Percy," ay Lunes nila isasampa ang kaso sa mga sangkot sa paglikida sa broadcast journalist.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page